Forums » Cool Threads » Tips sa mga Makakating Mister

acer3ya1's avatar

contributed by acer3ya1, 6 months ago
1 pat 0 pokes 435 comments 2780 views

Tips sa mga Nambababaeng Mister





Hi, tagal ko ng hindi nagsulat ah. Dahil na-inspire ako sa mga rules na inilista ni Columbus Ohio sa Zombieland, naisipan kong gumawa ng tips/rules sa mga kaibigan nating mga lalaking may asawa na pero di mapigilan ang pangangati.




Tip #1: Hwag ka ng mambabae.
- Ang simple di ba? Maiiwasan mo ang lahat ng sakit ng ulo kung hindi ka mambababae. Hindi mo na din kailangang basahin ang mga sumusunod na tips. Isa pa, kawawa naman misis mo kung mambabae ka, makakuha ka pa ng sakit dyan at manghawa ka pa. Ubos din pera mo, unless yung babae gumagastos diba?




(kung sinunod mo ang Tip#1, hwag mo ng basahin ang mga sumusunod)




Tip #2: Hwag kang aamin.
- Kahit anong mangyari, i-torture ka man o konsensyahin, hwag na hwag kang aamin. Yung babae mo hindi naman aamin e, ikaw pa? Pag umamin ka, ang engot mo. Ibig sabihin lang nun, hindi ka pwedeng pagkatiwalaan, ng babae mo at ng misis mo. Halimbawang tanungin ka, kung merong "iba", e di isasagot mo wala, si misis mo lang.



Tip #3. Hwag magpapabisto. Matutong magtago.
- Gagawa ka ng kasalanan tapos magpapahuli ka, ang tanga mo naman. Hwag kang pahuhuli, dapat may pag-pa-plano palagi. Para naman hindi ka majackpot ng misis mo. Ngayon kung sakaling pumalpak ka, at mahuli ka, refer to Tip #2 pa din. Sabihin mo hindi sa yo yun. Ganun.



Tip #4. Maging mabuting manugang sa mga biyenan mo.
- Ang mga magulang ng misis mo ang una nyang lalapitan kung may ginawa kang kalokohan. At syempre may malaki silang impluwensya sa ka-partner mo. Kung ano ang sasabihin nila, malamang susundin ng asawa mo. Kaya kung ikaw e mahal ng biyenan mo, asahan mo, kakampi sila sa yo pag may problema kayo.



Tip #5. Maging mabuting kaibigan sa mga malalapit na kaibigan ng asawa mo.
- Ang bespren ni misis ay isa sa may malaking impluwensya sa buhay nyong mag-asawa. Baka nga dahil din sa mga kaibigan nya kaya kayo nagkatuluyan e. Ang engot mo naman pag tinulak mo silang palayo sa iyo. Tandaan mo, pag mahal ka nila, kakampihan ka nila kahit ikaw ang may sala. Maaari nilang sabihin na pagbigyan ka pa, magbigay ng isa pang chance, sising-sisi ka na. Mga ganun ba. Pero kung ayaw mo sa kanila, aba goodluck kung may kumampi sa kasalanan mo.



Tip #6. Gumamit ng Proteksyon
- Kay misis ka lang dapat commando, sa iba, gumamit ng proteksyon, baka mahawa ka o makahawa. Safe sex ika nga sabi ng DOH.



Tip #7. Ituloy pa din ang pang-gi-gigil kay misis.
- Dapat hindi makahalata ang asawa mo na may iba ka na. Tuloy pa din ang sex dapat. Aba, may lakas ka pambababae, sa asawa mo wala? Wala kang kwenta pag ganun. Kaya nga, kung hindi kaya ng katawan, check out Tip#1.



Tip #8. Dapat may extra-income.
- Aminin mo man at hindi, magastos talaga ang may other woman. Unless kung masyado kang pinagpala at ikaw ang ginagastusan. Pero dapat, hindi ka magkukulang sa pagbibigay ng pera kay kumander mo. Kung hindi mo kaya ang gastos, refer to Tip#1.



Tip #9. Hwag Praning.
- Kung gumagawa ka ng kasalanan, hwag kang praning na lagi mong iniisip na si misis mo e may ginagawa rin. Masyado kang obvious. Mabibisto ka nyan, sige ka. Dapat cool lang. Relax.






So ayan na, 9 tips lang. Ang suggestion ko talaga e, hanggang Tip #1 ka na lang, hwag ka ng lumandi at grabeng problema pa ang idudulot ng mga ganyang kasalanan. Di ba?

Post a comment »

You need to login to post a comment.

Highfiber 0.0 is a product of syndeo::media. Follow highfiber on Twitter.