Forums » Funny Threads » Pinoy action movies

abomination's avatar

contributed by abomination, over 2 years ago
0 pats 10 pokes 18 comments 2316 views

got this from an email which comes from a book written by Bob Ong..

---------------------------------------------------------------

Ano ba ang Pinoy Action Movie?

Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti:

Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay,tatay, ate, kuya, kinakapatid,
kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo,lola,
ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa
talampakan, ninuno)

Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng
mga nag-iinumang istambay.

Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal,
binyag, burol)

Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan,
pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.

Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.
Lagi itong may mga uto-utong tauhan o "mga bata".
At laging naka-jacket kahit tanghaling tapat kadalasan pa ay mga itim na leather jackets.

Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay, at madalas pa dito na rin nangyayari yung final bakbakan scene.

Lagi ding may eksena sa isang beer house.

May seksing leading lady at may love scene na pwedeng ikwento sa
Abante.

Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman eh kayang-kaya nitong patumbahin.

Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin,ikukulong lang muna.

Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan ng baril .... mahabang pag-uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.

May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.

Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.
Kahit ano sumasabog pag binaril. Pati puno, sumasabog.

Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.

Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong buhay nya.

Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.

Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya. Laging sa lupa tumatama ang bala ng kaaway.

Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang ...hindi pwedeng sa ulo o sa puso.

Siyam (9) ang buhay ng bida.

Doble pa nito ang buhay ng leading lady.

Kung mamamatay man ang isa sa kanila eh makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.

Huli darating ang maraming pulis ... at wala silang pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!

PELIKULA NGA TALAGA!!!

Post a comment »

  • TOGGLE
    joriben's avatar posted by joriben, over 2 years ago

    kaya nga wala nang halos action movies ngayon na lokal, kasi sawa na pinoy. Puro Love story na, na wala namang Love scene, corny.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    seedcradle's avatar posted by seedcradle, over 2 years ago

    hahaha.. tama tama lagi naman jan lang umiikot ang istorya nakakasawa walang improvement.. x]

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    everyonenose's avatar posted by everyonenose, over 2 years ago

    ^^ may Love scene nga ung iba kaso bitin naman.. dismayado kami dun sa Torotot e.. kala namin comeback film na e.. booo..

    @topic: typical mainstream plot yan.. try mo manood ng mga indie.. kahit lowbudget makikita mo pa rin pinagkaiba nila lalo na sa screenplay..

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    abomination's avatar posted by abomination, over 2 years ago

    ^^ so ano mas maganda torotot or paupahan??

    bigyan mo naman ng review ang torotot?

    is it a buy, rent or pass??

    hehehe

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    everyonenose's avatar posted by everyonenose, over 2 years ago

    ^i'd say Cinema One (or PBO)... hahahah.. nde ko na naaubutan ung paupahan e.. kapag Hibla o Torotot, hibla na ko..siguro nde lang sumakto sa expectations ko.. torotot kasi kay direk maryo de los reyes pala kaya pang Star Cinema ung quality ng plot.. tska PG-13 pare.. dun pa lang nanghinala na kami e.. pero nanood pa rin.. haha..

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    joriben's avatar posted by joriben, over 2 years ago

    Guys, what about Banal? Yung kay Alfred Vargas at Paolo Contis. I kinda like it.

    Maganda kasi sa Indie, malawak pananaw ng producers. Yung producers kasi ng mainstream, nagsisiguro kaya puro pangmasa ang plot. Eh ano ba kumikita sa masa. Formula: Movie = (Dingdong + Marian) x (Richard + KC) + (Budgte/5) + (tide x hapee x max).

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    abomination's avatar posted by abomination, over 2 years ago

    good observation joriben.. them movie stars are sell outs.. just for the money really..

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    angtipaklong's avatar posted by angtipaklong, over 2 years ago

    here's my observation, now this is in almost all phil made movies, the girl and the guy frolicking in the beach, what's up with that? seems like all this movies are somehow incomplete with out this scene.
    they also have this group dancing and singing in the beach again only happens in phil made movies.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    listahan's avatar posted by listahan, over 2 years ago

    sino me alam dito pwede makapag download ng mga indie films?

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    minor's avatar posted by minor, over 2 years ago

    * minsan naman namamatay din yung bida ipapakita pa nga na ililibing pero eto ang nakakagulat walang talagang laman yung kabaong tapos ipapakita yung bida nasa malayo pinapanood yung dapat paglibing sa kanya..

    baduy na kung sa baduy pero nageenjoy kami ng wife ko sa mga pelikula ni John Lloyd Cruz

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    bebang's avatar posted by bebang, over 2 years ago

    POKE!! galing to sa libro ni Bob Ong!

    1 pat 0 pokes
  • TOGGLE
    abomination's avatar posted by abomination, over 2 years ago

    @ bebang

    sorry i didn't mention sa email ko po ito nakuha.. pasensya na po tao lang.. di ko po alam na kay bob ong galing to..

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    sorenkant's avatar posted by sorenkant, over 2 years ago

    | here's my observation, now this is in almost all phil made movies, the girl and the guy frolicking in the beach, what's up with that? seems like all this movies are somehow incomplete with out this scene.
    they also have this group dancing and singing in the beach again only happens in phil made movies.|

    kasi pag-katapos ng shooting diretso na agad ang cast and crew sa outing. para maka-tipid, dun na lang rin sila gumagawa ng ending nung movie. almost all Vic Sotto movies I saw have this beach-ending scene, where his leading ladies dance (in bikini) in the beach with her friends. Tapos si Vic Sotto may garland (naka-namp...)
    anyways, try watching Indian movies, where all love-scenes are shifted to a dance and sing encore by the leading characters. (i miss swagat)

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    lakerfan's avatar posted by lakerfan, over 2 years ago

    that's why i love pr0n.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    seth's avatar posted by seth, over 2 years ago

    @sorenkant because we have never moved on from our sarzuela days. Our asian neighbors also adheres to this way of movie making (specially koreans) but they get away with it. anyways,pinoy movies has crappy cinematography and bad sets.. scripts are bad while plots are getting good.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    ute-baani's avatar posted by ute-baani, over 2 years ago


    Saging lang ang may puso!! Saging lang ang may puso!!!

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    chelsea's avatar posted by chelsea, over 2 years ago

    i think filipino movie goers are becoming smarter when it comes to movies like that. but then again, ang target kasi nila yung masa.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    spidamang's avatar posted by spidamang, over 2 years ago

    http://tryinghardcomics.blogspot.com/ ;)

    0 pats 0 pokes

You need to login to post a comment.

Highfiber 0.0 is a product of syndeo::media. Follow highfiber on Twitter.